Miyerkules, Setyembre 2, 2015

Senior Citizen pahalagahan



 Ang ating programa patungkol sa mga aktibidad para sa mga matatanda o senior citizen ngayong taon ay patuloy na ginagabayan ng Vienna Plan on Action.Sa paggunita ng International Year of the Elderly, ang ating pamahalaan ay binigyan ng Proclamation Order para sa Nathionwide Observance of the Year. Ang task force ay nagsagawa ng malaking aktibidades patungkol sa Nationwide Public Information Campaign sa pamamagitan ng tri-media upang maprotektahan ang karapatan ng mga Senior Citizen.

Sumakatuwid, ang Pilipinas ay mayroong importanteng institutional measures upang masiguro ang kapakanan ng mga matatanda. Naipasa ang bagong batas na ang Senior Citizen Act,pinaglalaanan nito ang serbisyosa transportasyon at kalusugan ang ating kababayang senior citizen.Isa pang batas ang nag utos na magtatag ng Senior Citizen Center sa buong bansa bilang venue para sa mga pakikipa-ugnayan, pang-edukasyon at pang-kabuhayan. Dahil sa mabilis na lumalago ang populasyon ng mga matatanda sa Pilipinas, ang epekto nito sa pag-unlad ng panlipunan at pang-ekonomiya ng bansa ay hindi ma"underestimate".

Ang ating pamahalaan kasama ng iba pang organisasyon ay nagtulong-tulong sa paggawa ng mga proyekto para sa ating kababayang Senior Citizen upang mapaghandaan ang mga problema tulad ng pagtaas ng bilang ng mga matatandang naaabandona at napapabayaan, mahirap na pamumuhay, hindi sapat na kasanayan sa trabaho, pagkakaroon ng mahinang kalusugan at hindi sapat na kaalaman sa tamang pagpapahalaga sa kalusugan at nutrisyon. Ang plano ay upang patibayin ang pangunahing programa na gobyerno -upang mabigyan ng mga pangunahing pangangailangan ang mga mahihirap na sektor sa pamayanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento